(photo was from GMANews.tv video clip)
Nabulabog lahat nung arestuhin ng National Bureau of Investigation agents si Jason Ivler Aguilar sa bahay nila sa Blue Ridge Subdivision sa Quezon City last Jan 18, 2010. Ma-aksyon ang video! Pagandahan ng dialogue ang mga ahente syempre!Congrats ko muna ang mga NBI agents for a job well-done…you are the men!
Ang mga ganitong operasyon ang nami-miss ko sa PNP…lalo kung may media at may camera. Sino ba tatanggi na ma-TV. I remember sabi ni CSUPT Manuel Porras, di bale na raw ma-dyaryo kesa takpan ng dyaryo. Tama naman. Pero nung mapasok kami bilang mga taga-kapang nakadapa, pinagbawalan kaming makita sa TV..(asar!) Artista na dapat ako kung nakita ako ng mga talent scout (lol!) ni Mother Lily.
Anyway, during the arrest of Ivler, medyo magki-critics lang ako ng konti. Normal yun after ng operation na mag conduct ng critics on tactical approach and execution. Ito ay base lang sa napanood kong video sa GMANews.tv.
Puna Number 1:
Being well-informed ang assault team that the subject was armed and dangerous, and had undergone extensive military training, actually Ivler was a trained US Marine (Ranger), so they should not discount the possibilities. One is that possibility that the suspect might have prepared better than them and may shoot better than them. Most of the agents are not wearing vest, and if other do have vests, these are not rated for the possible arm the suspect may going to use. Dapat ba isiping laging naka de-bola ang kalaban? I admired the PNP-ASG Special Operation Unit, how they equipped themselves the fact na ill-fated ang budget ng PNP compared sa NBI.
Puna Number 2:
I saw Marlene Aguilar-Pollard right at the middle of the action. I will ask those guys in the service who did the same type of raid using tactical assault if that was correct? The playing area was too small, two rooms facing each other. During the first room inspection, nakita ko si Marlene trapped on one side which was really nasa line of fire kung nandun si Jason. Whew! Formidable! But Jason was in the second room (actually staircase pala yata yun, di kita sa video e), and the shooting started in that second phase. Few bullets flew and Jason was down. Since maliit lang yung play ground, dapat na-cleared muna yun sa non-combatant bago nag-assault and they knew and they were expecting that they might get engaged anytime. Baka between them walang casualty, tapos si Marlene lang ang body count dun kung tumagal pa.
Puna Number 3:
Trivia: Alam nyo bang sinalinan ng dugo si Jason Ivler sa ospital? Ikaw ba naman tapakan habang butas ang katawan mo, di ba? Wasak ang portion ng large intestine niya at ayun sa duktor ng Quirino Memorial Medical Hospital, lumabas ang dumi na nasa loob ng bituka, well buti di tumae sa butas ng bala si Jason. Pinned down na ang suspect and he had ceased to be a big threat, plus ang dami pang umaaresto sa kaniya at naglalagay ng posas. Well ganun siguro talaga, mataas ang tension e, excited lahat. Also the way kung paano siya binitbit, medyo ok rin pero may mas makataong pagdala dun.
Siguro kung ako, hahagisan ko ng tear gas, tutal postive na nandun e, kasi namutok na agad si Jason e.
Dun naman sa tatlumpo (30) Quezon City cops na napabalitang magre-retraining for failure to locate and arrest Jason, medyo parang unfair sa mga mamang pulis. Bakit mo sila ibabalik sa schooling, e dalawang team pala ang humahanap, NBI at PNP..nagkataon lang sa NBI nagbigay ng info ang asset e.
Ang pagkakaiba, focus ang NBI dahil walang ibang tasking sila, samantalang ang pulis medyo sagot lahat di ba. Pati nga pagbabantay sa bahay ni sir. Nangyayari talaga yun na minsan nauunahan, nagreretraining ba nag NBI pag sila ang naunahan ng PNP sa parehong kaso? Iyong ganitong sitwasyon, positive media na lang, nakaka-low moral yan e.
Here’s the link:
http://www.gmanews. tv/story/ 181819/fugitive- jason-ivler- captured- after-shootout- with-nbi- team